MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbaba ng retail prices ng bigas sa buwan ng Marso, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press conference, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang year-on-year contraction sa rice inflation ay -7.7%, mas mabilis ito sa -4.9% deflation noong Pebrero.
Ang trend ng paghupa ng inflation sa bigas ay naitala mula noong Agosto 2024 at nagtuloy-tuloy na ito sa pagbaba.
Matatandaan na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 62, noong Hunyo 2024 na nagbabawas sa taripa sa imported na bigas sa 15% mula 35%.
“Ang rice prices talaga malaki na rin ang kanyang binaba… Makikita naman natin sa presyo talaga,” ani Mapa. RNT/JGC