Home METRO Materyales sa paggawa ng bomba, narekober sa Sultan Kudarat

Materyales sa paggawa ng bomba, narekober sa Sultan Kudarat

150
0
via Philippine National Police Facebook page

SULTAN KUDARAT, Philippines – Nakarekober ng Philippine National Police ang mga sangkap at materyales sa paggawa ng bomba sa isang court-sanctioned operation sa Bagumbayan, Sultan Kudarat, ayon sa ulat noong Linggo.

Inanunsyo ng PNP na isinagawa ang operasyon noong Pebrero 20 sa Barangay Bai Saripinang ng Bagumbayan Municipal Police Station, Sultan Kudarat Provincial Explosive and Canine Unit (SKPECU), at 37th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ang search warrant ay inilabas laban sa isang lalaking suspek na wala sa nasamsamang lugar at ngayo’y hinahanap ng awtoridad.

Narekober ang 12 sako ng ammonium nitrate fuel oil (ANFO) na tig-25 kilo kada sako, 54 non-electric blasting caps, at isang roll ng commercial safety fuse. Ang mga ito ay ini-inventory at dinala sa SKPECU headquarters sa Isulan para sa tamang technical assessment.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act 9516.

“Ang matagumpay na operasyon na ito ay nakapigil sa posibleng paggamit ng mga sangkap na ito sa kriminal o marahas na aktibidad,” ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr..

Tiniyak niya na ipagpapatuloy ng PNP ang paghahanap sa mga indibidwal na magtatago o magpapakalat ng mga pampasabog na labag sa batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here