Home ENTERTAINMENT MaThon, di tinablan ng sumpa!

MaThon, di tinablan ng sumpa!

Manila, Philippines- Maging ang Netflix Philippines ay bilib sa drawing power ng tambalang MaThon.

Ang MaThon ay portmanteau ng Maris Racal at Anthony Jennings.

Ang pinanghahawakang pruweba ng nasabing streaming platform ay ang ‘di matinag-tinag na puwesto ng MaThon movie na Sosyal Climbers.

Nananatili kasing nasa top spot ito.

Bakit daw hindi, eh, relatable daw ang kuwentong nakapaloob dito?

Universally appealing daw ang tema nito.

Sa katunayan, puwede nga raw ilaban nang pukpukan ang SC sa Korean film.

Lumelevel up daw kasi.

Ngayon mas higit na napagtanto ng Pinoy audience na hindi tumalab ang sumpa sa former couple.

Matatandaang nasangkot sila sa cheating issue.

Pumutok ‘yon noong mag-showing ang kanilang MMFF entry na magkasama, ang And The Breadwinner Is.

Nag-spill over ito hanggang sa kanilang TV project, ang Incognito.

At ngayon naman, sa Sosyal Climbers which barely has an effect on them.

Sadya lang bang forgiving ang mga Pinoy at keber nila sa “baho” ng artista dahil mahalaga pa rin ang kanilang husay sa trabaho? Ronnie Carrasco III