Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan mamamayani sa Luzon at Visayas sa amihan

Maulap na kalangitan mamamayani sa Luzon at Visayas sa amihan

168
0

MANILA, Philippines – Inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan ang malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, at ang Visayas dahil sa patuloy na epekto ng Northeast Monsoon o Amihan, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules.

Bandang alas-2 ng madaling araw, sinabi ng ahensiya na wala itong mino-monitor na low pressure area na maaaring maging bagyo.

Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat at pagkulog ang Caraga at Southern Leyte bunsod ng shear line. Maulap na kalangitan na may bahagyang pag-ulan ang inaasahan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon dahil sa Amihan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang mahinang ulan ang mararanasan sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, at natitirang bahagi ng Visayas dahil pa rin sa Northeast Monsoon.

Ang nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here