PINAKAMALALANG korapsyon sa Pilipinas ang nangyayari sa ngayon. Grabeng lantaran ngunit pilit na pinagtatakpan.
Bukod diyan, ang patayan at droga ay sobrang lala. Idagdag pa ang mataas na lreayo ng bilihin, mga nagkakasakit na hirap magpagamot.
Kailan kaya tayo magiging malaya sa kultura ng nakawan na siyang pumapatay sa bayan natin?
@@
Talaga lang ha! OVERWORKED daw si Pangulong Bongbong Marcos, Jr kung kaya nagkasakit ng DIVERTICULITIS kamakailan.
Isinugod siya sa St. Lukes Hospital sa Quezon City at OVERNIGHT naratay dahil sa “discomfort” sa tiyan.
Kung totoong overworked ang Presidente, hindi sana ganito ang direksyon ng ating bansa.
HIndi naman kasi natin maramdaman na SAGAD siya sa pagtatrabaho dahil bagsak ang ating ekonomiya. Lalo pa tayong lumulubog sa utang.
Kung sobra sa trabaho ang Presidente, ramdam nating mga nasa ibaba ang mas maraming trabaho, mas murang bilihin, mataas ang halaga ng piso kontra dolyar, may safety net, ligtas ang taumbayan sa krimen…at malaki ang tiwala sa kanya ng sambayanan.
Pero negatibo ang TRUST ni Juan dela Cruz sa Pangulo, nasaan ang sinasabing overworked na ‘yan?
@@
Sa isang banda, totoo namang overworked ang Pangulo.
Masyado siyang PAGOD sa pagtatrabaho, madalas ay sa crisis management, pagdedepensa sa sarili, sa kanilang naratibo at sa damage control sa flood control projects scandal.
@@
Heto ang reyalidad mga suki, ang pambansang utang ng Pilipinas ay iniulat na nasa P17.46 trilyon. Meaning, ang malaking bahagi ng badyet ay napupunta sa interest at refinancing, sa halip na sa mga klasrum, rural health, farm-to-market road at tunay na likhang hanap-buhay.
Napakataas ng debt pressure kaya ang resulta ay hindi makagagalaw ang gobyerno kapag may bagyo, baha o biglaang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
@@
At dahil lagapak ang piso sa ngayon, marami itong ibig sabihin.
Kapag mahina ang piso ay ramdam natin ang pagmamahal ng gasolina, pamasahe, delivery, pagkain, gamot at imported supplies.
@@
Sa sobrang napakapangit na sitwasyong ito ngayon sa ating bansa, pilit kong iniisip kung paano naging overworked ang Pangulo kaya raw nagkasakit.
Naaalala pa natin ang ibinunyag o isinapubliko ni Sen. Imee Marcos na kapatid ng Pangulo.
Ang kanyang ading daw ay madalas na TAMAD dahil sa palaging paggamit sa droga.
Kung pilit na tumatanggi ang Pangulo sa panawagan sa kanya na magpa-hair folicle test para pabulaanan ang ibinunyag ng kanyang kapatid, mapipilit ba siya na isapubliko ang tunay niyang karamdaman?
Aba’y deserved ng sambayanan na malaman ang totoo.






