Home NATIONWIDE Sultan Kudarat niyanig ng M-5.7 na lindol

Sultan Kudarat niyanig ng M-5.7 na lindol

174
0

MANILA, Philippines – Isang magnitude 5.7 na lindol ang yumanig sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat madaling araw ng Miyerkules, Enero 28, 2026, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang tectonic na lindol bandang alas-1:05 ng umaga, na may epicenter na 55 kilometro sa timog ng Kalamansig at lalim na 19 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Lebak at Palimbang, Sultan Kudarat, habang Intensity III naman ang naramdaman sa Norala, South Cotabato, at Esperanza, Sultan Kudarat.

Naitala ang Intensity II sa M’lang at Pikit, Cotabato; Maitum at Malungon, Sarangani; Tantangan, Lungsod ng Koronadal, Banga, Tupi, Surallah, Tampakan, at Santo Niño sa South Cotabato; at Isulan, Columbio, at Bagumbayan sa Sultan Kudarat.

Samantala, Intensity I ang naitala sa Kadingilan, Bukidnon; Maasim at Alabel sa Sarangani; at sa Lungsod ng Zamboanga. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here