Home METRO May-ari ng establisyemento sa QC fire na ikinasawi ng 15 katao posibleng...

May-ari ng establisyemento sa QC fire na ikinasawi ng 15 katao posibleng managot

Kuha ni Danny Querubin l Remate File Photo

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Quezon City government na maaaring managot ang may-ari ng establisimyento na nasunog na isang opisina at pagawaan ng t-shirt na ikinasawi ng 15 indibidwal sa isang subdivision sa Tandang Sora, Quezon City, nitong Huwebes, Agosto 31, 2023.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte walang building permit ang naturang establisimyento at isang malinaw na paglabag umano ito sa ‘Building code’.

Kuha ni Danny Querubin l Remate File Photo

Sa zoom press conference kanina sinabi ni Belmonte na tinitignan din ng QC government kung may paglabag umano ang naturang establisimyento sa City Treasurer ang may-ari ng negosyo dahil hindi umano nito idineklara ang tunay na status ng negosyo nito.

Kaugnay nito sinabi ni QC City Legal head Atty. NiƱo Casimiro na maaaring sampahan ng kasong paglabag sa Fide Code at Building Code ang may-ari ng establisyemento na nasunog makaraang umanong hindi magsabi ng totoo ng tunay na status ng kanyang negosyo na isang opisina subalit gawaan pala ng mga t-shirt at bag.

Samantala, tiniyak ni Belmonte na tutulungan ng QC government ang mga pamilya ng biktima ng sunog sa Tandang Sora lalo na ang mga biktima ay head ng kanilang pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak at mabigyan ng scholarship program ng pamahalaan lungsod.

Nauna ng nagpaabot ng pakikiramay si Mayor Belmonte sa mga pamilya ng mga biktima ng sunog at agad ipinag-utos ang masusing imbestigasyon sa insidente. Santi Celario

Previous articleMusk: Video at audio calling magiging available na sa X
Next articleKOLEKSYON NG BIR TUMAAS NG MAHIGIT 12%

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here