Home OPINION MAYOR ALONG ‘HOUR’ SA BATANG KANKALOO!

MAYOR ALONG ‘HOUR’ SA BATANG KANKALOO!

SERBISYO publiko!
Dalawang makabuluhang kataga o salita ang mga ito na
kaagad magpapaalala sa atin sa mga halal na lider  – pangulo, senador at kongresista sa nasyunal; gobernador at mayor sa lokal na pamahalaan.

Ang mga ito ay iniluklok ng taumbayan sa pwesto dahil sa
paniwalang sila'y maglilingkod, magseserbisyo sa publiko
sa pamamagitan ng mga kaaya-ayang programa't
proyektong ikalulugod ng mamamayan.

Mahirap maging lingkod ng bayan dahil kina Mang Juan at
Aling Maria – malaking bagay ang estilo o ‘brand of
leadership’ dahil nakasalalay dito ang  ikababagsak o
ikatatagumpay ng isang  nagseserbisyo-publiko.

Hindi maitatatwang marami ang naging matagumpay at
pumalpak na lingkod-bayan kaya maswerte ang
mamamayan  sa  mga probinsya, siyudad at bayan na ang
mga gobernador at mayor ay nagagawa ang pagiging
public servant.

Isang halimbawa ay si dating Congressman turned
Caloocan Mayor Dale Gonzalo 'Along' Malapitan na ang kakaibang ‘di matatawarang estilo ng pamamahala ay
nagbibigay saya at kaginhawaan sa mga residente ng
lungsod.

Makailang beses na hinirang na ‘Performing
Congressman’ noon sa kongreso, isang bagay na
nagpapatingkad sa maningning nang imahe ni Mayor
Along ay ang mayaman nitong kaisipan sa larangan ng
serbisyo-publiko.

Bukod sa mga proyektong imprastraktura at iba pang
programa,  pinakamahalaga sa butihing alkalde ang
kapakanan at kabutihan ng mga Caloocanian na naka-
angkla sa isinusulong na ‘Aksyon at Malasakit’ mantra ng
kanyang pamunuan.

Kaya sa Caloocan,  hindi lang sa city hall makukuha ang
government services hinggil sa health care,  negosyo,
social housing  real estate taxes, free legal advice,
notarization at iba pa dahil dinala ni Malapitan ang
serbisyo sa mga barangay sa pamamagitan ng Mobile city
hall.

Isang araw kada linggo ay isinasagawa ang “Peoples Day”,
isang programang  ang layon ay magbigay ng ayuda,
tulong pinansyal sa mga taga-Caloocan na  may sakit o
karamdaman,  ganoon din sa mga pamilyang kulang o
walang panggastos sa pumanaw na mahal sa buhay.

Noong Hulyo 28 ay sinimulan ng alkalde ang once-a-week
“Mayor’s Hour” kung saan siya ang mismong  haharap sa mga  residente dahil naniniwala ito na sa ganitong paraan ay mapapadali ang solusyon sa mga problemang idudulog
sa kanya ng mga batang Kankaloo.

Worth emulating!..