Home HOME BANNER STORY Pura Luka Vega kinasuhan ng Church leaders sa ‘Ama Namin drag video’

Pura Luka Vega kinasuhan ng Church leaders sa ‘Ama Namin drag video’

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo ang Philippines for Jesus Movement (PJM) laban Kay Pura Luka Vega (real name Amadeus Fernando Pagente) sa Quezon City Prosecutor’s Office nitong Lunes, July 31,para sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code at Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kanya-kanyang naghain ng reklamo sina PJM president Bishop Leo Alconga and Pastors Romie Suela at Mars Rodriguez. Kinatawan nila ang kani-kanilang mga lokal na simbahan na nasaktan sa rock version ng Pura Luka Vega ng “Ama namin (The Lord’s Prayer)”, na naging viral online.

Ayon sa reklamo, si Hesus Kristo ay Panginoon at Diyos hindi lamang ng mga Katoliko ngunit sa buong relihiyon ng Kristyanismo na kabilang ang born-again Christians at ibat-ibang denominations.

“The drag performance of Pagente is not only terribly blasphemous, offensive, disrespectful, insulting, unacceptable and outrageous to the Christian religion and belief, it also causes a devalued and negative image of the Lord Jesus Christ which Christians hold in highest veneration,” dagdag pa ng mga complainant.

Ang kinatawan ng Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list, Bro. Eddie Villanueva,isang kilalang Kristiyanong ebanghelista sa bansa, ay nagpahayag ng buong suporta sa pagkilos ng organisasyong Kristiyano.

Ang drag artist ay nakita sa isang video na naglalarawan kay Jesu-Kristo noong Hulyo 9, na nakakasakit sa maraming Kristiyanong mananampalataya.

Ang PJM ay coalition ng ibat-ibang Christian churches sa bansa kabilang ang Presbyterian Church of the Philippines, Capitol City Foursquare Church, Jesus Is Lord Church, Intercessors Federation of the Philippines, at iba pang small-to-medium local-based churches sa bansa at abroad.

Ang mga miyembrong simbahan nito ay may humigit-kumulang 7,000 mga kongregasyon/kabanata sa buong bansa at sa ibang bansa na may tinatayang 5 milyon ang miyembro. Jocelyn Tabangcura-Domenden