MANILA, Philippines- Inihayag ng adminitrasyon ni President Donald Trump sa court filing nitong Miyerkules na mayroon na itong pinal na desisyon na kumakalos sa karamihan sa U.S. foreign aid contracts at grants, habang naninindigang hindi nito kayang gawin ang court-ordered 11:59 p.m. EST (0559 GMT) deadline upang bayaran ang mga nakaraang trabaho.
Tinapyasan ng administrasyon ng mahigit 90% ang foreign aid contracts ng U.S. Agency for International Development at $60 bilyong kabuuang U.S. assistance sa buong mundo, ayon sa Associated Press, batay umano sa internal memo.
Kasunod ang Wednesday filing sa federal court sa Washington, D.C. sa mga kasong isinampa ng mga organisasyon sa mga kontrata o natanggap na tulong mula sa USAID at sa State Department, inakusahan ang mga ahensya ng ilegal na pag-freeze sa lahat ng foreign aid payments.
Ipinagpatuloy ng Trump administration ang pag-freeze sa mga payment sa kabila ng February 13 temporary restraining order mula kay U.S. District Judge Amir Ali na ipalabas ang mga ito.
Nanindigan ang U.S. Justice Department na may karapatan ang administrasyon na suspendihin ang mga kasunduan habang nirerebyu ang mga ito upang matukoy kung tumatalima ang mga ito sa polisiya ng administrasyon.
Kumpleto na umano ang review, batay sa administrasyon sa bagong filing. Anito, nagdesisyon ang USAID na kanselahin ang halos 5,800 awards, at panatilihin ang nasa 500, at kinansela ng State Department ang halos 4,100 awards, at pinanatili ang nasa 2,700. RNT/SA