Home OPINION MAYORYA NG MGA FILIPINO HINDI KUNTENTO SA GINAGAWA NG MARCOS ADMINISTRATION

MAYORYA NG MGA FILIPINO HINDI KUNTENTO SA GINAGAWA NG MARCOS ADMINISTRATION

DISMAYADO ang mayorya ng mga Filipino at naniniwalang kulang ang pagsisikap ng Marcos administration sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, base sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS) na ini-sponsor ng Stratbase Consultancy.

Lumabas na 58 porsyento ng mga sumagot ang nagsabing ang mga hakbang ng pamaha­laan ay “talagang kulang at medyo kulang,” habang 16 pors­yen­to naman ang nagsabing sa­pat ang ginagawa ng administras­yon.

Samantala, 19 porsyento ang nagsabing ang mga hakbang ay hindi sapat ngunit hindi rin kulang, habang 7 porsyento na­man ang nagsabing wala silang sapat na kaalaman upang makapagbigay ng opinyon.

Ang SWS-Stratbase pre- election survey ay isinagawa mu­la January 17 hanggang 20, 2025 gamit ang face-to-face interviews ng 1,800 rehistradong botante na 18 taong gulang pataas sa buong bansa – 300 sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon (labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

Ang margin of error ay na­sa ±2.31 porsyento para sa pangkalahatang resulta, nasa ±5.66 porsyento para sa Metro Manila, ±3.27 porsyento sa Ba­lance Luzon, at ±5.66 porsyento bawat isa para sa Visayas at Mindanao.

Karamihan sa mga hindi kon­tento ay buhat sa Mindanao, 65 porsyento, sinundan ng NCR na may 60 porsyento, Ba­lance Luzon, 56 porsyento, at Visayas, 54 porsyento.

Ayon sa Stratbase, hindi tu­mutugma ang resulta ng survey sa datos ng pamahalaan na nagsasabing nananatili sa 2.9 porsyento ang inflation rate nitong Enero 2025.

Ito umano ang dahilan ng pagbaba ng kumpiyansa ng publiko sa administrasyon pagda­ting sa presyo ng mga bilihin.

Nasa 59 porsyento ng mga respondente sa survey ang nagsabing ang pagtaas ng presyo ng bigas ang pinaka- napansin nila mula Oktubre 2024 hanggang Disyembre 2024.

Sinundan ito ng pagtaas ng presyo ng karne ng baka, baboy, at manok na may 29 porsyento, gulay na 11 porsyento, at pag­kaing-dagat, 4 porsyento.

Nitong Pebrero 3, 2025 ay nagdeklara ng isang food emergency security on rice ang Department of Agriculture upang makontrol ang presyo ng bigas sa merkado, at sinimulan ang pagbebenta ng Php 36.00 bawat kilong bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo.