Home NATIONWIDE Measles vaccination palalawakin ng BARMM vs outbreak

Measles vaccination palalawakin ng BARMM vs outbreak

MANILA, Philippines – Palalawakin ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang vaccination efforts nito upang maiwasan ang pagkalat ng measles o tigdas sa rehiyon.

Sa pulong balitaan, sinabi ng Ministry of Health (MOH) ng BARMM na magsisimula sa Abril ang extensive vaccination activities upang masiguro na mas maraming mga residente ang magkakaroon ng access sa bakuna.

“In response to the growing threat of the outbreak, MOH will undertake an expansion of vaccination activities in Bangsamoro communities to ensure a larger proportion of the Bangsamoro children are vaccinated against measles,” sinabi ni MOH Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn Abas.

Mula Enero 1 hanggang Marso 20, 2024, 592 kaso na ng tigdas ang naitala sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 521 ang hindi bakunado, at 71 ang bakunado.

Ang Lanao del Sur ay mayrong 220 kaso ng tigdas o 37% ng kabuuang kaso sa rehiyon.

Dalawa sa mga nasawi ay mula sa nasabing probinsya, habang isa naman ay mula sa Sulu.

“We urge Bangsamoro parents to vaccinate their children against measles. This remains the most effective defense against the virus. By working with us, we can minimize the spread of this preventable disease,” ani Abas.

Siniguro naman ng MOH na ang bakuna ay ligtas, halal at napatunayang tamang paraan upang maiwasan ang tigdas.

Ang tigdas ay naipapasa mula sa infected individual patungo sa ibang tao sa pamamagitan ng hangin, o sa pagbahing at pag-ubo.

Kabilang sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, ubo, runny nose at body rash.

Nitong Huwebes, sinabi ng DOH na lahat ng rehiyon, maliban sa Bicol at Central Visayas, ay nakakita ng pagtaas sa mga kaso ng tigdas.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, layon nilang bakunahan ang nasa 90% ng high-risk population, partikular na ang mga bata edad anim na buwan hanggang 10 taon. RNT/JGC

Previous articlePutin nangakong gaganti sa Moscow concert hall attack
Next articlePBBM sa mga empleyado ng OP: Serve with excellence, integrity, compassion