Home NATIONWIDE PBBM sa mga empleyado ng OP: Serve with excellence, integrity, compassion

PBBM sa mga empleyado ng OP: Serve with excellence, integrity, compassion

MANILA, Philippines – PINAYUHAN at pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga staff at empleyado ng Office of the President (OP) na magsilbi “with excellence, integrity, at compassion.”

Kasabay nito, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga empleyado ng OP na patuloy na magbibigay ng suporta, resources at oportunidad ang kanyang administrasyon na kailangan ng mga ito para sa kanilang kapakanan at pagsusulong.

“On this day, let us renew our commitment to giving the Filipino people a life that is peaceful and productive,” ang naging mensahe ni Pangulong Marcos sa isinagawang paggunita sa ika-127 founding anniversary ng OP na binasa naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa OP anniversary celebration sa Kalayaan Grounds ng Palasyo ng Malakanyang sa Maynila, araw ng Biyernes.

“Become the embodiment of the Filipino people’s highest aspirations for a government that serves with excellence, integrity, and compassion, bringing a Bagong Pilipinas (New Philippines) that we can proudly bequeath to succeeding generations,” ayon pa rin sa mensahe ng Pangulo.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang OP para sa pagsisikap at katapatan ng mga ito, Idinagdag pa na itinuturing ang mga ito bilang “civil service’s elite.”

Sinabi pa rin ng Pangulo sa mga empleyado na sila ay “one team, one family,” na nangangahulugan na ang kanilang kontribusyon sa tanggapan, maliit man o malaki ay “highly appreciated”.

“Many of you here work in anonymity and behind the scenes but your labors impact the lives of millions, and all are important to the nation. To be an OP employee is both a source of pride and a burden,” ayon sa Pangulo.

Giit pa rin ng Pangulo na ang mga empleyado ng OP ay dapat na “loyal” hindi sa kanya kundi sa mga mamamayang Filipino.

“The OP has historically been viewed as the template of efficiency, discipline, and excellence in public service. Every day, we strive to live up to these expectations,” wika nito.

“I know that you belong to a professional corps of civil servants, so it does not matter to me what God you worship, what political beliefs you embrace, for as long as these do not get in the way of your work,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Gayunman, nagkaloob naman si Bersamin ng parangal sa mga OP retirees para sa taong 2023. Kris Jose

Previous articleMeasles vaccination palalawakin ng BARMM vs outbreak
Next articleMiyembro ng NPA sa Agusan, sumuko