Home NATIONWIDE Pagtakbo sa 2028 presidency, ibinasura ni Raffy Tulfo: ‘Wala sa isip ko’

Pagtakbo sa 2028 presidency, ibinasura ni Raffy Tulfo: ‘Wala sa isip ko’

MANILA, Philippines – Tulad ng tradisyunal na pulitiko, ibinasura ni Senador Raffy Tulfo ang sinasabing plano na nakatakda itong pumalaot sa presidency sa 2028 dahil wala umano siyang plano sa ganitong larangan.

Sa panayam, sinabi ni Tulfo na wala sa kanyang agenda ang pagtakbo bilang president sa 2028 elections.

“Wala sa utak ko ang pagtakbo as president sa 2028. Naka-focus ako ngayon sa Senado, ayon kay Tulfo.

“I’m enjoying being a senator. I’m enjoying as much being a senator,” ani Tulfo.

Aniya, kung papatulan niya ang naturang ideya, magbibigay lamang ito ng sakit ng ulo sa kanya.

“Sakit sa ulo lang ‘yan. Sa ngayon pa nga lang, ang dami ko nang sakit sa ulo. Left and right ang daming nagagalit sa akin because of all these surveys,” aniya.

Ayon kay Tulfo, matindi ang pambabatikos sa kanya ng fake news sa internet at social media.

“Sa 2028, re-election at the most ang pwedeng gagawin ko, ayon kay Tulfo.

Noong 2020, ibinasura din ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang katanungan kong tatakbo siyang pangulo sa nakaraang halalan sa pagsasabing “kung kayo naman ay kinakabahan, hindi ho ako tatakbong president.”

“Para lang mapanatag kayo, hindi ko. Huwag ako,” aniya sa interview noon.

Kamalaunan, tumakbo si Moreno at natalo sa nakaraang presidential elections.

Samantala, sinabi pa pa ni Tulfo na hindi nito pipigilan na tumakbong senador ang kapatid nitong si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na lumilitaw na nangunguna sa commissioned survey.

“That’s his decision. I cannot stop him. Hindi ko siya hawak sa leeg. Kung gusto niyang tumakbo, nanalo sya, so be it,” ani ng senador.

“If he doesn’t want to run, okay din. So it’s not up to me,” ayon pa sa senador.

“Kahit na mas matanda ako sa kanya hi di ko sya pipigilan sa kung anong gusto nyang gawin. Although, I can give him advice on certain matters…but if about politics, I don’t because pareho kaming politicians,” ani Tulfo. Ernie Reyes