Home NATIONWIDE Putin nangakong gaganti sa Moscow concert hall attack

Putin nangakong gaganti sa Moscow concert hall attack

RUSSIA – Nangako si Russian President Vladimir Putin nitong Sabado, Marso 23 na pananagutin nito ang mga nasa likod ng “barbaric terrorist attack” sa isang concert hall sa Moscow na kumitil sa buhay ng 133 katao sabay sabing naaresto na nila ang apat na gunmen na nagtangkang tumakas patungong Ukraine.

Mariin namang itinanggi ng Kyiv ang koneksyon sa pag-atake, at sinabi rin na hindi man lang binanggit ni Putin ang pag-ako ng responsibilidad ng Islamic State sa kanyang kauna-unahang public remarks sa pag-atake.

Sa huling ulat ay nas 133 katao na ang nasawi nang paulanan ng bala ng mga naka-camouflage na gunmen ang Crocus City Hall sa krasnogorsk, Moscow kung saan ginaganap ang isang konsyerto.

Matapos mamaril ay sinunog pa ng mga ito ang naturang teatro.

Inako ng jihadist group ang pag-atake sabay sabing ito ay “carried out by four IS fighters armed with machine guns, a pistol, knives and firebombs,” bilang bahagi ng “the raging war” sa “countries fighting Islam”.

Ito na ang maituturing na deadliest attack sa Russia sa nakalipas na dalawang dekada. RNT/JGC