Home NATIONWIDE Menor na tumakas sa Socorro Bayanihan group, mananatili sa IACAT – solon

Menor na tumakas sa Socorro Bayanihan group, mananatili sa IACAT – solon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng isang senador na mananatili sa kustodiya ng gobyerno ang ilang menor de edad na tumakas sa Socorro Bayanihan Services Inc., isang organisasyon na nakabase sa Surigao del Norte na sumasailalim ng imbestigasyon sa ulat ng sapilitang pagkakasal at iba pang pang-aabuso sa kabataan.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na mananatili sa kustodiya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (ACAT) ng Department of Justice (DOJ) ang mga bata at papayagan silang tumestigo

“I was informed by the (committee) Secretariat na pinirmahan na ni Secretary Boying Remulla yung kanilang actions na ginawa ng IACAT para i-custody ang mga bata,” aniya.

Sa ginanap na imbestigasyon nitong nakaraang linggo, umapela si dating Socorro mayor Mamerto Galanida sa Senado na payagan ang dalawang batang saksi na tumestigo bilang depensa ng grupo.

Layunin umano nito na salungatin ang alegasyon na ibinabato sa SBSI ng tatlong menor na nagsasabing pilit silang ipinakasal sa edad na 12 anyos, sinanay bilang batang sundalo at gumawa ng mahihirap na bagay.

Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang naturang batas na sumasailalim sa pagsusuri.

“Sabi nila (DSWD) it will take some time. Sabi nila, hindi pa talaga nila ma-establish yung fitness nung mga bata. Baka sila rin ang sisisihin… meron tayong batas na sinusunod pagdating sa mga bata. Hindi pa raw talaga ready ang mga bata,” ayon kay dela Rosa.

Inulit pa ni Dela Rosa na pawang dummy lamang si Jey Rence Quilaro, kilala bilang Senor Agila ng kasapi, na kumikilos sa kumpas ng kanyang advisers.

Ayon kay Dela Rosa na napagtanto niya ang ganitong sitwasyon base sa testimonya ng ilang batang biktima at dating miyembro ng SBSI.

Mahigpit na pinabulaanan ng lider ng grupo ang kawalan ng katotohanan sa alegasyon ng child abuse, underage marriage at extortion.

“Nakikita ko na talagang itong si Jey Rence Quilario…ay ginamit lang itong front, ginamit lang itong figurehead ng organisasyon in order to get adherence and loyalty ng mga miyembro,” ani Dela Rosa.

Maraming miyembro ng SBSI na incarnation si Quilario ng Holy Child Jesus at may divine powers.

“Lahat ng mga policies, lahat ng decision-making ng SBSI ay hindi siya personal na nagde-decide, kundi yung grupo ng advisers sa likod nya na sinusunod niya,” ayon sa senador.

Bukod kay Galanida, nakilala din ang adviser ni Quilario ang negosyanteng si Karren Sanico, at secretary nitong si Janeth Anoc.

Muling iginiit ni Dela Rosa na kung ginagamit bilang dummy si Quilario, nananatiling ang mga lider ng SBSI ang nagbibigay ng illegal instructions at nagbibigay ng parusa sa miyembro nito.

“Eto ang diperensya dyan, sa pagpapatakbo ng buong organization, hindi tayo naniniwala na ang organization as big as this is, ay kino-control ng isang 22 years old na second year high school na lumalabas talaga na medyo kulang sa kaalaman,” aniya.

“Pero, pagdating doon sa mga ginawang panga-abuso, very clear naman yung mga testimony ng mga kabataan na na si Jey Rence talaga ang nagkakasal sa kanila, at nagpumilit sa kanila na mag-sex,” patapos ng mambabatas. Ernie Reyes