Home HOME BANNER STORY Meralco: ‘Rotational’ outages nakaamba pa rin

Meralco: ‘Rotational’ outages nakaamba pa rin

MANILA, Philippines- Maaaring makaranas ang Metro Manila at mga karatig-probinsya ng power interruptions ngayong linggo dahil inaasahang sapat lamang ang available power supply sa Luzon grid upang tugunan ang projected peak customer demand at mga rekisitos ng power grid.

Nangangahulugan ito na sakaling magkaroon ng emergency shutdowns ng power plants o malaking pagbawas sa output ng mga ito, maaaring magpatupad ng power cuts upang mapreserba ang integridad ng grid, base sa Manila Electric Co. (Meralco).

Hangang nitong Hunyo 2, sinabi ng grid operator National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang Luzon ay mayroong 14,276 megawatts na available capacity, mas mataas kumpara sa 11,572 MW nitong weekend nang isailalim ang Luzon grid sa red alert.

“We are currently experiencing peak demand of 12,000-13,000 MW, so I hope there are no further unplanned outages and deration in the current generating capacity that we have. That being the case, we should be able to get through the next days albeit reserves may likely remain thin,” pahayag ni Joe Zaldarriaga, Meralco spokesperson at head of corporate communications.

“However, as what we have seen also last June 1, an emergency shutdown of a plant could significantly affect our available supply so there will always be that risk. Unless more generating capacities become available soon, then rotational power interruptions will still be a possibility,” dagdag ni Zaldarriaga.

Nitong Sabado, nakaranas ang Metro Manila at mga karatig-lugar ng power interruptions dahil sa kulang ng power supply.

Base sa Meralco, kinailangan nitong magpatupad ng franchise area power interruptions o manual load dropping (MLD) na tumagal ng average na 1.5 oras.

Nakaapekto ito sa halos dalawang milyong Meralco customers sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga lalawigan ng Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal at Quezon.

“Due to the significant supply deficiency, rotational power interruptions had to be implemented across Luzon, including in Meralco’s service areas, to manage the current system condition,” ani Zaldarriaga.

“We sincerely apologize to our customers for the inconvenience caused by this challenging situation. We continue to proactively exhaust all demand-side management efforts to help minimize, if not avert, power interruptions,” patuloy niya. RNT/SA