Home HOME BANNER STORY Mga ahensya inatasan ni PBBM sa paghahatid ng tulong sa Myanmar

Mga ahensya inatasan ni PBBM sa paghahatid ng tulong sa Myanmar

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng concerned government agencies na tulungan ang lahat ng mga apektado ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.

Sa press briefing nitong Lunes, Marso 31, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na minomonitor ng Pangulo ang sitwasyon lalo na ang mga Pinoy na apektado ng lindol.

Ani Castro, isinagawa ang interagency meeting para gamitin ang lahat ng mga resources sa mga apektadong lugar.

Sa huling ulat ay lampas 1,700 na ang bilang ng mga nasawi sa lindol sa Myanmar.

Sa kasalukuyan ay may apat na Pinoy pa rin ang nawawala matapos ang lindol. RNT/JGC