MANILA, Philippines – Nasunog ang bahagi ng mga apartment tomb sa Bagbag Public Cemetery sa Quezon City, sa sunog na sumiklab ngayon mismong Undas, Nobyembre 1.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa lugar ng mga informal settler sa gilid ng sementeryo bandang alas-9 ng umaga.
Mabilis itong kumalat at itinaas sa unang alarma bandang 9:02 ng umaga.
Makalipas ang ilang minuto ay iniangat ito sa ikalawang alarma at idineklarang fire under control bandang 9:45 ng umaga.
Idineklara naman itong fireout pagsapit ng 10:17 ng umaga.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala. RNT/JGC