Home METRO Nag-inom sa loob ng North cemetery, beki isinugod sa ospital matapos gulpihin

Nag-inom sa loob ng North cemetery, beki isinugod sa ospital matapos gulpihin

134
0

MANILA, Philippines – Itinakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office ang isang LGBTQ+ matapos bugbugin sa loob ng sementeryo.

Ayon kay Boyet Mabini ng Manila DRRMO, nakipag-inuman umano ang biktima na si Ernie Esteban sa loob Manila North Cemetery (MNC) alas 2 ng madaling at maaring nakatulog nang malasing.

Nang magising alas-7 ng umaga, doon lamang niya ininda ang sakit na nararamdaman mula sa pagkabugbog sa kanya kung saan ang isa niyang mata ay hindi na maidilat.

Agad itong nagpatulong sa 1st Aid Station ng Manila DRRMO sa Magsaysay Circle sa loob ng sementeryo  para pasuri.

Sinabi rin ni Mabini na iniinda rin ni Esteban na masakit ang kanyang dibdib. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here