Home NATIONWIDE Mga debate sa Charter change, posibleng matapos sa Oktubre – Angara

Mga debate sa Charter change, posibleng matapos sa Oktubre – Angara

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Sonny Angara nitong Lunes, Pebrero 5 na posibleng matapos sa huling quarter ng taong kasalukuyan ang mga diskusyon para sa Charter change.

Aniya, Oktubre ang posibleng maging deadline para sa ma debate tungkol sa mga amendment ng 1987 Constitution.

Si Angara, na chairman ng Senate subcommittee on amendments and revision of codes, ay tinanong kung mananatili ang subpanel sa naunang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang mga aamyendahan sa Charter ay posibleng matapos bago ang Holy Week break ng Kapulungan.

“We will consult our colleagues kung happy na sila sa hearings at saka kung ready na tayo sa plenary,” ayon kay Angara.

“Sa akin naman ang pinaka deadline n’yan ay ‘yung filing sa October, kasi by then siguro [the] Commission on Elections will need to finalize. Kasi kung ipasa namin ito, kailangan may plebisito tayo [so] kailangan maisama ‘yun sa eleksyon and ‘yung most economical ay yung maisama siya sa 2025 elections,” dagdag ng senador.

Iginiit niya ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mabusising diskusyon sa proposed amendments at ipinuntong ang 1987 Constitution ay “not just any law.”

Nang tanungin kung ilang pagdinig ang isasagawa ng subcommittee, hindi pa ito tiyak ni Angara.

“Sa ngayon, we have four or five schedules. Kasi each sector may be dedicated hearing – ito ‘yung general hearing. So we’ll have one on public utilities, one on education, and one on advertising,” paliwanag niya.

Nagsimula ang Senado ng deliberasyon sa proposed amendments sa specific economic provisions ng 1987 Constitution na sasakupin ang public services, education at advertising. RNT/JGC

Previous articlePHIVOLCS sa phreatic eruption ng Mayon: Walang pag-angat ng magma
Next article2024 ‘VIP’ tour program sa mga Fil-Am, inilunsad ng DOT