Home OPINION MGA ISKALAWAG HUMANTONG NA SA PATAYAN, GENERAL!

MGA ISKALAWAG HUMANTONG NA SA PATAYAN, GENERAL!

114
0

HUMANTONG na sa patayan ang relasyon ng mga iskalawag na pulis.

Kung totoo ang mga lumalabas na report, naganap ang nakapaninindig-balahibong patayan mismo sa mga pulis na miyembro ng Southern Police District.

Ang bangkay ng namatay na pulis, kasama ang sa isang sibilyan, na kapwa hindi pinangangalanan, ay natagpuan sa Brgy. May Puso Avenue, Barangay Kalayaan, Angono, Rizal noong Mayo 23.

Ayon sa SPD, hinuli ang mga biktima sa pagnanakaw sa isang dayuhan at isinakay sa isang police mobile car sa JP Rizal Extension, Brgy. Cembo, Taguig City noong Mayo 22, 2024 dakong 11:30 ng gabi.

Nakapagtataka nga lang na mula sa Taguig City noong Mayo 22, natagpuan na ang bangkay ng pulis at kasama nito kinabukasan sa Angono at nakilala lang ang bangkay ng pulis nitong nakaraang linggo makaraan ang pagsisiyasat dito.

Dahil dito, sinibak sa pwesto sina Patrolman Rannie Cruz at Patrolman Marielle Benedito na umaresto humuli umano sa dalawang biktima.

Sinibak din sina Corporal Arnel Paglicawan at Patrolman Hanz Christian Francisco mula sa kanilang presinto o SPD 1, kasama ang precinct commander nilang si Capt. Kenny John Rapiz.

Mga kasong kriminal at administratibo ang isasampa na kaso sa mga ito.

Sa kasong kriminal, maaaring tuluyang makulong ang lima habang sa kasong administratibo, masisibak sila sa pagkapulis at matatanggalan ng mga sahod, benepisyo at karapatang muling bumalik bilang empleyado ng pamahalaan.

Nauna rito, mga brad, may napaulat na apat na pulis na nangidnap-for-ransom at kasapi ang mga ito ng Pasay police, Makati police at National Capital Region Police Office na pinamunuan ng isang police major habang may kinasuhan din ng carnapping na pinamunuan ng isang colonel at sexual harassment isang major sa kapwa niya pulis.

Nakatatakot na ang mga pulis na tatak ang “to protect and to serve.”

PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, sir, kalusin ang mga iskalawag. Bilis!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here