Home METRO Mga kabataan nagprotesta sa pagpapanagot sa mga opisyal na nagpatupad ng Tokhang

Mga kabataan nagprotesta sa pagpapanagot sa mga opisyal na nagpatupad ng Tokhang

MANILA, Philippines – Nagsama-sama ang ilang mga kabataan sa kahabaan ng C.M Recto sa Maynila para sa isang kilos-protesta.

Panawagan nila na arestuhin sana ang lahat ng mga opisyal partikular ang mga heneral na sangkot sa Oplan Tokhang noong administrasyong Duterte.

Ayon sa grupo, dapat mapanagot ang mga ito sa pagkamatay ng marami dahil sa kampanya kontra droga ng nagdaang administrasyon.

Kasama rin sa panawagan ang pagbalik ng Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court o ICC.

Hindi naman nakalapit sa Mendiola ang mga ralyista dahil sa paanan pa lamang ng Mendiola ay hinarang na sila ng mga tauhan ng MPD.

Hindi namang maiwasan na magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa eastbound lane ng Recto Avenue dahil sa kaganapan. Jocelyn Tabangcura-Domenden