MANILA, Philippines – Naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng nationwide manhunt laban sa mga natitirang co-accused ni contractor Sarah Discaya.
Naglabas ng arrest warrant noong Huwebes kaugnay ng umano’y malversation at korapsyon sa P96.5-milyong flood control project sa Davao Occidental.
Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan ang kanilang mga yunit sa National Bureau of Investigation (NBI) para isakatuparan ang mga warrant. Sa ngayon, hawak na ng pulisya sina Discaya at Maria Roma Rimando.
Kabilang sa mga inireklamo ang ilang opisyal ng DPWH Davao Occidental: Rodrigo Larete, Michael Awa, Joel Lumogdang, Harold John Villaver, Jafael Faunillian, Josephine Valdez, Ranulfo Flores, at Czar Ryan Ubungen.
Pinayuhan ang natitirang akusado na sumuko at nagbabala ang PNP sa publiko laban sa pagbibigay ng tulong sa kanila. Santi Celario