Home NATIONWIDE Mga LGU sa Ilocos Norte nakakuha ng P481K lotto earnings share

Mga LGU sa Ilocos Norte nakakuha ng P481K lotto earnings share

MANILA, Philippines – Itinurn-over na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kabuuang P481,926.45 sa 14 na lokal na pamahalaan sa Ilcoos Norte bilang kanilang share sa lotto revenues.

Sa isang formal turnover ceremony na idinaos sa Plaza del Norte and Convention Center sa Laoag City, nilahukan ito ng 13 local chief executives at mga city, municipal treasurers kasama si Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc.

Nagrerepresenta ang nasabing halaga sa lotto sales ng mga LGU mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Nagpasalamat naman si Manotoc sa PCSO sa pangunguna ni general manager Mel Robles, at nagsabing ang salapi ay gagamitin sa charity programs ng lokal na pamahalaan.

“We thank you for always helping us in all our initiatives and we reaffirm that we are just here to support PCSO in whatever you need,” anang gobernador.

Ang pagbibigay ng lotto shares sa ilalim ng
Executive Order 357-A, kung saan naglalaan ng 5% ng PCSO Charity Fund sa local government units sa mga lungsod at munisipalidad at dalawang porsyento sa probinsya kung saan ibinibenta ang Lotto tickets. RNT/JGC