Home NATIONWIDE NAPC naalarma sa pagkamatay ng 2 bata sa Zamboanga sa gutom

NAPC naalarma sa pagkamatay ng 2 bata sa Zamboanga sa gutom

MANILA, Philippines – Naaalarma ang isang opisyal ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa naitalang pagkasawi ng dalawang bata sa Zamboanga City dahil sa gutom o food poverty.

Ayon kay Juliet Tigo, NAPC regional coordinator para sa Zamboanga Peninsula region, ang tinutukoy niya ay ang report na may namatay na dalawang bata sa Barangay Maasin— 13 kilometro mula sa sentro ng lungsod, noong Agosto 1.

Ang mga bata ay edad 1 at 2, kasama ang 7-anyos nilang kapatid, na iniwan sa pangangalaga ng kanilang 80-anyos na lola matapos inabandona ng mga magulang.

Sinabi ni Police Maj. Paul Andrew Cortes, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, na naghihirap talaga ang pamilya at wala na ring makain.

Sa katunayan ay pinapakain na lamang ang mga bata ng “bagong.”

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang “bagong” ba ang naging sanhi ng kamatayan ng dalawang bata.

Sa kabila nito, sinabi ni Tigo na ang sitwasyon ng mga bata sa naturang tirahan ay “an indication that we have more households really struggling to have a decent meal on the table and we also observed that many impoverished families don’t have access to basic services including food.”

Ang insidente ay kasunod ng pagkasawi ng isang gutom na bata na sa Barangay Patalon na kumain na lamang ng expired na canned meat na nakuha mula sa dumpsite.

Ipinunto ni Tigo na nararanasan pa rin ang food poverty sa lungsod sa kabila na kasama ito sa 10 richest cities sa bansa.

Noong 2021, sinabi ng Commission on Audit na ang Zamboanga City ay may total assets na P19.775 billion.

“If the city’s assets will be put to good use, a number of households will have better access to basic health and welfare services,” ani Tigo. RNT/JGC

Previous articleMga LGU sa Ilocos Norte nakakuha ng P481K lotto earnings share
Next articleP1.4B travel fund ni PBBM idinipensa ng mga senador