MANILA, Philippines – Inaalat pa rin ang mga manlalaro dahil hindi pa rin napananalunan ang P541,028,640.40 Super Lotto 6/49 jackpot nitong Linggo ng gabi, Enero 7, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Hindi nagawang matumbok ng lotto bettors ang winning combinations na 03-47-13-12-07-01 para sa Super Lotto jackpot.
Gayundin, walang bettor ang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 jackpot na P49,500,000 sa draw noong Linggo.
Ang mga nanalong numero ng Ultra Lotto ay 37-28-08-18-40-38. RNT