Home NATIONWIDE Mga naarestong menor de edad sa riot sa Mendiola tutulungan ng mga...

Mga naarestong menor de edad sa riot sa Mendiola tutulungan ng mga abogado – Bayan

332
0

MANILA, Philippines – Tutulungan ng mga abogado mula sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Makabayan bloc ang mga nakisali sa riot, karamihan ay mga menor de edad, na naaresto sa sagupaan sa pulisya sa Mendiola, Manila nitong Linggo, Setyembre 21.

Matatandaan na nauwi sa karahasan ang isa sa mga protesta nitong Linggo nang lusubin ng grupo ng mga hindi pa tukoy na lalaki na nakasuot ng kulay itim na damit ang barikada ng mga pulis na nakaharang sa daanan patungong Malakanyang.

“There are scores of people arrested now, some were just bystanders picked up by the police. Many are minors. Our lawyers and Makabayan representatives are trying to assist them,” saad sa pahayag ni Bayan President Renato Reyes nitong Lunes, Setyembre 22.

Ayon kay Reyes na naospital din matapos tamaan ng bato sa mukha, hindi siya sang-ayon sa mga taktika na ginamit sa sagupaan.

“Do I condemn the angry people throwing stones and stuff? No. I may not agree with their tactics, but I understand their anger,” paliwanag niya.

“We are not about to condemn the poor who express their anger against the system in ways we might not be comfortable with. It’s the system’s fault why people’s anger runs deep,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ng Bayan na ang grupong sangkot sa sagupaan sa Mendiola ay walang kaugnayan sa kanilang organisasyon.

Nilinaw din ni Reyes na umalis na agad ang kanilang mga miyembro nang matapos ang programa sa Mendiola, bago pa man sumiklab ang karahasan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here