Home OPINION MGA NAKATATANDA, BATA, MAY COMORBIDITIES MAG-INGAT NGAYONG TAG-INIT

MGA NAKATATANDA, BATA, MAY COMORBIDITIES MAG-INGAT NGAYONG TAG-INIT

Sa monitoring ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, dapat na mag-ingat ang mga kababayan natin na nasa labingtatlong (13) na lugar dahil makararanas kayo ng lubhang mataas na heat index o damang init ng panahon.

Ito ay ang mga sumusunod na lugar –
– Dagupan City, Pangasinan, 44 degrees Celsius;
– Puerto Princesa City, Palawan, 44 degrees Celsius;
– Sinait, Ilocos Sur, 42 degrees Celsius;
– Laoag City, Ilocos Norte, 42 degrees Celsius;
– Aparri, Cagayan, 42 degrees Celsius
– Tuguegarao City, Cagayan, 42 degrees Celsius;
– Echague, Isabela, 42 degrees Celsius;
– Clark airport, Angeles City, Pampanga, 42 degrees Celsius;
– Science City of Muñoz, 42 degrees Celsius;
– Aborlan, Palawan, 42 degrees Celsius;
– Masbate City, Masbate, 42 degrees Celsius;
– Virac, Catanduanes, 42 degrees Celsius;
– Zamboanga City, 42 degrees Celsius;
– Cotabato City, 42 degrees Celsius; at
– Ninoy Aquino International Airport, Pasay City, 42 degrees Celsius

Sa danger classification na mula 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius ay posibleng makaranas ng heat cramps   o pulikat at heat exhaustion, at may posibilidad ang heat stroke kung matagal na mabababad sa matinding init, kaya mag-ingat ang mga nabanggit na lugar sa itaas.

Ang Metro Manila ay makararanas ng init na nasa 40 deg­rees Celsius o kategoryang “Extreme Caution” partikular sa Quezon City, at maliban sa NAIA Pasay City na mas mataas ang temperaturang inaasahan.

Magiging pinakamababa naman na heat index ang mararanasan sa La Trinidad, Benguet na 26 degree Celsius.

Paalala sa publiko, kinakailangang bawasan ang oras ng paglalagi sa labas ng bahay lalo na sa tanghali. Kung sakali kayo ay naglalakad sa mga lugar na walang masisilungan, laging tandaan, magbaon at magsuot ng malapad  na sombrero o kaya gumamit ng payong.

Uminom ng maraming tubig, lalong-lalo na sa panahon ng tag-init, kung labis kayo pinawisan at mainit ang inyong na­raramdaman, magpahinga muna. Ang payo ng doctor,

“Uminom ng walong basong tubig, mas maraming tubig, mas maganda para sa inyong kalusugan.”  Ang pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks, at alak hindi kasama sa bilang.

Kung kayo ay mahilig naman sa sports, tulad ng golf, basketball, badminton, tennis o swimming, gawin sa umaga o bandang hapon, kakailanganin ay proteksyunan ang sarili mula sa matinding init mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, kung saan hindi na gaaano mainit para maiwasan ang heat stroke o pagkahilo o sakit ng ulo.