Home NATIONWIDE Mga opisyal ng Nueva Ecija, nanumpa na sa tungkulin

Mga opisyal ng Nueva Ecija, nanumpa na sa tungkulin

312
0

MANILA, Philippines – Sabay-sabay na nanumpa sa tungkulin ang mga nahalal na opisyal sa Nueva Ecija.

Sa bayan ng Talavera, pinangunahan ni out-going Vice Govenor Emmanuel Anthony Umali ang panunumpa kay Governor Aurelio Umali para sa kanyang ikatlong termino bilang governar ng lalawigan.

Kasunod nito ay pinangunahan naman ng governador ang pagnunumpa sa mga nahalal na opisyal mula iba’t ibat bayan at lungsod, kasama na rito si incoming Vice Governor Reymond Umali, 2nd district Congressman Mario “Kokoy” Salvador, at mga bokal.

Sa Cabanatuan City, isinagawa naman ang panunumpa ni City Mayor Myca Vergara kasama ang mga nahalal na opisyal ng lungsod.

Kasabay din nito ang iba pang halal na opispiyal ng ikatlong distrito ng Nueva Ecija, kabilang si 3rd district Representative Julius Cesar Vergara.

May ilan ding mga halal na opisyal ang nagkaroon ng bukod na nanumpa sa kani-kanilang mga bayan at lungsod kasama ang kanilang vice mayor at mga konsehales.

Kabilang dito sina Mayor Dean Joson ng bayan ng Quezon, Mayor Sylvester Austria ng bayan ng Jaen, Mayor Joey Ramos ng bayan ng PeƱaranda, Cabanatuan City Mayor Myca Vergara at Mayor Joy Pascual ng Gapan City. MARINA G. BERNARDINO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here