Home METRO Mga puganteng Tsino timbog sa Pampanga

Mga puganteng Tsino timbog sa Pampanga

PAMPANGA, Philippines – Ayon sa Bureau of Immigration (BI) naaresto ang ilang puganteng Chinese sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga nitong Miyerkules, Hulyo 2.

Sa pahayag ni Commissioner Joel Anthony Viado, nahuli ang isang Chinese national, Zhao Jianfeng, 28, sa isang operasyon noong Hunyo 28 sa isang residential area sa Clark Freeport Zone, Mabalacat, Pampanga.

Siya ay mayroong detention warrant na isinampa ng Liangqing Branch, Nanning Municipal Public Security Bureau sa China na may petsang Hunyo 16, 2025.

“This individual is part of a dangerous and organized network that has defrauded countless victims online. His continued presence in the country poses a clear and serious threat to public safety,” saad ni Viado.

Ayon naman sa gobyerno ng China, si Zhao ay isa sa pangunahing miyembro ng isang transnational criminal syndicate na nagsasagawa ng telecommunication at online invenstment scams na karaniwang nambibiktima ng mga Chino. Lahat ng sangkot dito ay nakabase at nag ooperate sa Pilipinas.

Sa isang follow-up operation, nahuli naman sa isang casino sa Angeles City si Lu Bingbing, isa ring bigtime na miyembro ng sindikato. Hindi ito nakapag pakita ng passport o ng kahit anong legal na immigration document sa kanyang pagkakaaresto.

Sa operasyong isinagawa ng mga local intelligence units, nadiskubre ang lima pang Chinese nationals na umano’y sangkot sa mga ilegal na gawain, ito ay sina, Song Genyuan, Wu Xinxu, Wen Jing, Xu Yongcheng, at Lin Jinyang.

Ayon kay Viado, nakikipag ugnayan na sila sa gobyerno ng China upang maibalik ang mga ito at mapatawan ng karampatang parusa sa kanilang bansa.

“All suspects are currently undergoing booking and documentation. They will be turned over to the BI Warden Facility in preparation for deportation proceedings,” aniya.
Binigyang babala naman ni Viado ang iba pang dayuhang puganteng nagtatago sa Pilipinas.

“You will be found, and you will be sent home. The Bureau, under the Marcos administration, is working hand in hand with our international counterparts to protect the Filipino public from fraud and criminal infiltration,” dagdag niya. RNT/MND