MANILA, Philippines – Idineklara ng PAGASA ang Abril 16, 2025 bilang simula ng tag-init. Kasabay ng dami ng biyahe at outdoor activities, pinaaalalahanan ng PhilHealth ang publiko na saklaw nito ang karaniwang sakit tuwing tag-init.
Kasama sa mga saklaw at benepisyo:
Heat stroke, pulikat, sunstroke – ₱12,675
Pagkapagod sa init – ₱18,135
Pagka-dehydrate – ₱7,800
Bulutong – ₱7,800
Typhoid fever – ₱19,500
Sore eyes – ₱16,575
Pagtatae – ₱11,700
Sakit mula sa marine animals – ₱11,115
May outpatient emergency care din sa mga accredited hospital. Paalala ng PhilHealth: Uminom ng sapat na tubig, iwasan ang tirik na araw, at panatilihing malinis ang katawan.
Para sa detalye, tumawag sa (02) 8662-2588 o mag-text sa kanilang mobile hotlines. RNT