Home NATIONWIDE MIC mamumuhunan sa P19.7B para sa 20% stake ng NGCP

MIC mamumuhunan sa P19.7B para sa 20% stake ng NGCP

MANILA, Philippines- Nakatakdang mamuhunan ang Maharlika Investment Corporation (MIC) ng P19.7 billion para makakuha ang 20-percent stake sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Isa kasi itong mahalagang hakbang tungo sa tumataas na government influence sa power grid operations ng bansa

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni MIC President at CEO Rafael Consing Jr. na ang pondo ay gagamitin para makakuha ng ‘preferred shares’ na P15 bawat isa mula sa Synergy Grid and Development Philippines Inc. (SGP), isang key stakeholder sa NGCP.

Ang preferred shares ay may garantisadong ani ng dibidendo para sa mahigit na 6.5% para sa unang tatlong taon ng pamumuhunan.

Ang paliwanag ni Consing, matapos ang inisyal na tatlong taon, ang investment ay maaaring ma-convert sa isang ‘common shares’, bibigyan ang MIC ng higit na kakayahang umangkop at makontrol ang stake nito sa NGCP.

Tinitingnan naman ng MIC na isapinal at lagdaan ang transaction documents ng maiden investment nito sa loob ng 90 araw.

Nauan rito, inanunsyo ng Malakanyang na tinanggap ng SGP ang isang ‘binding offer’ mula sa MIC para “to secure a foothold in NGCP.”

Layon ng kasunduan na bigyan ang MIC ng dalawang board seats, isa sa SGP at isa sa NGCP, ang lone power transmission network ng bansa.

Sinabi ni Consing, ang investment ng NGCP ay magiging “100% primary shares.”

“Ang ibig sabihin po niyan is kapag primary shares po, lahat po ng capital na i-invest po natin, pupunta diretso sa kumpaniya para siya namang gamitin para pagsuporta sa rollout ng capex ng NGCP ,” wika ni Consing.

Samantala, bukas naman ang MIC na makakuha ng shares ng State Grid Corporation of China (SGCC) sa power grid ng Pilipinas.

Hawak ng SGCC ang 40% share sa NGCP.

“We have not spoken basically to the Chinese, we only saw this opportunity sa SGP level – we’re not having any discussions with the State Grid of China at this point in time. So, no conversations are occurring with them,” ayon kay Consing.

Nang uriratin si Consing kung interesado ang MIC na makakuha ng shares sa kompanya ng Tsina sa NGCP, sinabi ni Consing na: “If it becomes available, I think so, yes.”

Tinuran pa rin ni Consing na ang karagdagang MIC investments ay nasa proseso na.

Bagama’t hindi  siya nagbigay ng detalye, nagpahiwatig naman ito na may panibagong mahalagang kasunduan ang iaanunsyo sa susunod na 30 araw.

“We have, in fact, working on multiple transactions. In the next 30 days we could have another one,” ang sinabi pa rin ni Consing. Kris Jose