Home ENTERTAINMENT Mike Defensor, produ ng pelikula ni Robin!

Mike Defensor, produ ng pelikula ni Robin!

Manila, Philippines- Isa si former house of representative membet Mike Defensor sa humarap sa mga entertainment press during the mediacon of Gringo, The Greg Honasan Story produced by Borracho Film of Atty. Ferdie Topacio along with Senator Robin Padilla at former Senator Gringo Honasan.

Ang nasabing pelikula ay intended sa nalalapit na MMFF 2024 na pagbibidahan nga ni Senador Robin and hoping kami na si Megastar Sharon Cuneta ang magiging leading lady niya dito lalo’t ang aktres ang sinadyest ng action star turned politician.

Sinabi ni Defensor na wala siyang alam sa paggawa ng pelikula, bagama’t siya ang executive producer ng pelikula.

“Nagkataon lang na bagay si Sen. Padilla sa role sa pelikulang Gringo. Si Sen. Padilla ay very much fit for the lead role in the film,” he added. “I am proud na hindi lang kami gumagawa ng pelikula, kundi nagkukuwento kami ng history sa pelikula,” Defensor said.

“Kung biopic, mahal talaga,” dagdag niya.

Ang Gringo the Story ay ididirek nina Lester Dimaranan at Abdel Langith.

Tipong in person ay mukhang masayahin at tipong artistahin din si Mike coz pogi na ay may maganda pang pangangatawan in pernes.

Saka kita sa mukha niya ang pagiging kind hearted to all of us pati na ang mga kilos at galaw niya.

Kaya hindi na nakapagtataka na maging close sila ni Atty. Topacio dahil tulad nito ay palabiro rin itong si Defensor at pareho silang kind hearted sa true lang.

Well, sana lang ay magkaroon rin ng role itong si Defensor sa Gringo, The Greg Honsan Story dahil hindi lang ito basta pelikula kundi history pa.

‘Yun na! Mercy Lejarde