Home NATIONWIDE Millenial na si Carlo Acutis gagawing Santo

Millenial na si Carlo Acutis gagawing Santo

VATICAN CITY – Magiging unang Santo mula sa generasyon ng millennial ang isang Italyanong teenager na ginamit ang kanyang kakayahan sa kompyuter para ipalaganap ang pananampalatayang Katoliko kapag siya ay na-canonize sa susunod na Abril.

Si Carlo Acutia na namatay sa leukemia noong 2006 sa edad na 15 ay tinaguriang “God’s influencer”. Ipinanganak sa Londib, lumaki siya sa Milan kung saan pinangangalagaan niya ang mga website para sa kanyang parokya at isang akademya na nakabase sa Vatican.

Sa kanyang weekly audience sa Vatican, sinabi ni Pope Francis na gagawing Santo si Acutia sa katapusan ng linggo ng Abril 25 hanggang 27.

Sa nasabing panahon, ipinagdiriwang ng Vatican ang Jubilee for Adolescents bilang bahagi ng banal na taon ng Katoliko sa Roma, na magbubukas sa katapusan ng Disyembre.

Hindi nagbigay ng eksaktong petsa para sa seremonya ng kanoninasyon.

Sinabi rin ng Papa na i-canonize niya si Pier Giorgio Frassati, isang kabataang Italyano na kilala sa pagtulong sa mga nangangailangan at namatay sa polio noong 1920s.

Inanunsyo rin ng Papa na ang Vatican ang magsisilbing host sa pagpupulong sa karapatan ng mga bata sa Pebrero 3 na sinabing lalahukan ng mga eksperto mula sa ibat-ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden