Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa PNP Maritime Command, suportado ni Tol

Pagpapalakas sa PNP Maritime Command, suportado ni Tol

Si Sen. Francis Tolentino ang panauhing pandangal ng PNPA sa pagpapasinaya ng bagong PNPA Amphitheatre at sa pagbubukas ng Cadet Corps Intramurals ngayong taon na ginanap sa PNPA Grandstand.

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na napapanahon na para palakasin ang Maritime Command ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paggigiit ng bansa sa karapatan at teritoryo nito sa karagatan, partikular sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kanyang talumpati sa mga opisyal at kadete ng PNP sa Camp General Mariano Castaneda sa Silang, Cavite, ipinahayag ni Tolentino ang kanyang buong suporta sa pagpapalakas sa istruktura at kapabilidad ng PNP Maritime Command para tumulong sa pagpapatrolya ng karagatan ng bansa.

“I am for a stronger PNP Maritime Command, which will have regional headquarters in Luzon in the province Mindoro Oriental, Visayas in the province Cebu, and Mindanao in the province of Sulu,” sabi ni Tolentino, chairperson ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones.

“These three regional headquarters can help reinforce our Philippine Navy and Philippine Coast Guard in dealing with current challenges in our maritime zones, especially in the West Philippine Sea,” idiniin ng senador.

Samantala, nanawagan si Tolentino sa pamunuan ng PNP Academy, sa pangunguna ni Police Brigadier General Christopher Birung, kabilang ang dean of academics and corps professors ng institusyon, na isama sa curriculum ng akademiya ang pag-aaral sa Philippine Maritime Zones Act (RA 12604) at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (12605).

“Maaaring ituro ang mga batas na ito bilang elective subjects para sa murang edad pa lamang ay malaman na ng ating mga kadete, na magiging mga opisyal ng pulisya sa hinaharap, ang kahalagahan ng pagprotekta sa ating karagatan, gayundin sa integridad ng teritoryo at soberanya ng bansa,” paliwanag nya.

Si Tolentino ang punong may-akda at sponsor ng dalawang makasaysayang batas na pinirmahan kamakailan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. RNT