Home NATIONWIDE Minimum wage earners makikinabang na sa P20/kg bigas

Minimum wage earners makikinabang na sa P20/kg bigas

232
0

MANILA, Philippines – Malapit nang makinabang ang mga minimum wage earners sa programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na,” kung saan maibebenta ang bigas sa halagang PHP20 kada kilo.

Napagkasunduan ito ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa kasalukuyan, ibinebenta ang bigas mula sa National Food Authority sa mga Kadiwa ng Pangulo center para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizen, PWD, at solo parent.

Isasama na rin ang mga empleyado ng kumpanyang sasali sa pilot rollout.

Tatlong yugto ng pagpapalawak ang inaasahang magsisimula sa Hulyo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here