Home NATIONWIDE PBBM, walang nakikitang dahilan para magbitiw sa puwesto

PBBM, walang nakikitang dahilan para magbitiw sa puwesto

221
0

Manila, Philippines – WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para bumaba sa puwesto.

Ipinagkibit-balikat lamang ng Pangulo ang panawagan sa kanya na magbitiw sa puwesto dahil committed siyang tugunan ang mga hamon ng bansa sa gitna ng mga pagbabago sa kanyang Gabinete.

“I will resign? Ba’t ko gagawin ’yun? At wala sa ugali ko ang tinatakbuhan ang problema. What good will that do?” ang sinabi ni Pangulong Marcos bilang tugon sa tanong na ibinato sa kanya sa sidelines ng 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binigyang diin ng Pangulo na ang kanyang liderato ay ‘solution-oriented’. Iginiit nito na ang ginagawa niyang paglutas sa usapin ay harapin ito at hindi iwasan.

Matatandaang, kamakailan ay nanawagan si Pangulong Marcos ng courtesy resignations mula sa lahat ng miyembro ng kanyang gabinete bilang bahagi ng hakbang upang muling isaayos ang administrasyon kasunod ng resulta ng 2025 National and Local Elections.

Ani Pangulong Marcos, magbibigay-daan ito upang masuri ang pagganap ng mga departamento at matukoy kung sino ang dapat na magpatuloy sa paglilingkod alinsunod sa ‘recalibrated priorities’ ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na hindi maaapektuhan ng gagawing ‘transition’ ang mga serbisyo ng gobyerno kung saan tuluy-tuloy aniya ang matatag at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga tao. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here