Home METRO Misis napaanak matapos parahin sa checkpoint

Misis napaanak matapos parahin sa checkpoint

252
0

TUAO, Cagayan – Sa mismong checkpoint ng 202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB2), nanganak ang isang misis matapos parahin ng mga pulis ang kanilang sinasakyan sa San Luis, Tuao, Cagayan.

Nasita sa checkpoint bandang 3:30 ng madaling araw ang ginang, 21 anyos, habang sakay sa kanilang kulong-kulong na minamaneho ng kanyang 26 anyos na esposo.

Ilang sandali pa, sumakit na ang tiyan ng ginang. Pinagilid ito sa kalsada at, makalipas ang walong minutong labor, matagumpay na nailuwal nito ang kanyang sanggol.

Tumulong ang mga pulis na nasa checkpoint area at dinala ang mag-inang ginagamot sa Tuao District Hospital sa Barangay Bulagao para sa karagdagang medical attention. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here