Home METRO Misis utas sa sakal ng live-in partner

Misis utas sa sakal ng live-in partner

289
0

PANGASINAN-Patay ang isang 33-anyos na babae matapos na sakalin ng kanyang live-in partner sa bayan ng Urbiztondo ng lalawigang ito kaninang pasado alas-2:00 ng madaling-araw.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang street vendor, residente ng naturang bayan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang 27-anyos na lalaki na live-in partner ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente ay nakipag-inuman muna ang suspek.

Nang oras na ng kanilang pagtulog ay biglang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang suspek at ang biktima.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay biglang sinakal ng suspek ang biktima hanggang sa ito ay mawalan ng malay.

Ang biktima ay isinugod sa ospital ng kanyang mga kaibigan at mga rumespondeng MDRRMO personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here