Home ENTERTAINMENT Mister ni Iza, may isyu sa mga tauhan, di nakakabayad ng sweldo?

Mister ni Iza, may isyu sa mga tauhan, di nakakabayad ng sweldo?

1
0

Manila, Philippines – Nagsimula rin sa isang blind item ang isyung ito na kinasasangkutan ng isang award-winning actress at ng kanyang mister.

Ayon sa tsika, inirereklamo raw si hubby ng kanyang mga empleyado dahil hindi raw ito nakababayad ng suweldo ng kanyang mga tauhan.

Ang dagdag na chism, pati raw ang DOLE ay kinakalampag na ng mga empleyado para makapaningil sa nasabing kumpanya ng businessman.

Ang siste, medyo cash-strapped daw kasi ang kumpanya dahil nalulugi ang negosyo nito.

Ang nakakaloka pa, hindi raw pala aware si aktres na may problema sa negosyo ang kanyang kabiyak.

Sa blind item, tinumbok naman ng mga nagmamarisol na ang couple in troubled paradise ay ang mag-asawang Ben Wintle at Iza Calzado.

Natalakay din ito sa vlog ng tanyag na beteranang showbiz journalist na si Ogie Diaz.

Sey pa nga ng talent manager turned vlogger, baka raw inilihim ni mister ang mga aberyang kinakaharap ng kanyang negosyo sa misis para hindi ito mag-worry lalo pa’t may sarili ring struggles si aktres.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng mag-asawang Iza at Ben sa ikalilinaw ng isyu. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here