BAMBANG, Nueva Vizcaya — Nauwi sa trahedya ang simpleng paghabol ng isang lalaki sa kanyang nailipad na sumbrero matapos itong masagasaan ng pick-up sa kahabaan ng San Fernando Road, Barangay Calaocan, Bambang, nitong Lunes.
Kinilala ang biktima na si [Pangalan kung meron], 44-anyos at residente ng Barangay Mabuslo, Bambang.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, habang minamaneho ng biktima ang kanyang kulong-kulong (improvised tricycle), tinangay ng malakas na hangin ang kanyang suot na sumbrero. Pinara umano nito ang sasakyan at sinubukang kunin ang sumbrero sa gitna ng kalsada nang bigla siyang mabangga ng paparating na pick-up.
Ayon sa driver ng pick-up, isang 40-anyos na lalaki, nagulat umano siya nang makita ang nakayukong biktima sa gitna ng daan at hindi na siya nakapagpreno o nakaiwas.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ng mga miyembro ng MDRRMO Bambang na agad rumesponde sa insidente, ngunit idineklara rin siyang dead on arrival makalipas ang ilang oras.
Pansamantalang nasa kustodiya ng Bambang Municipal Police ang driver ng pick-up habang isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon. Rey Velasco