QUEZON, Philippines – Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang isang Mister nang pagbabarilin nang isa sa dalawang hindi nakikilalang gunman, makaraang tambangan kahapon sa kahabaan ng Barangay Bukal Sur Candelaria, Quezon
Kinilala ang biktima sa alyas Arvin 44, may-asawa, naninirahan sa Sitio Pook Barangay Buenavista West Candelaria, Quezon na nagtamo ng mga tama ng bala mula sa hindi matukoy na armas sa ibat- ibang parte ng katawan at pansamantalang naka confine sa Quezon Medical Center.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen dakong alas – 6:30 ng umaga kahapon habang ang biktima na lulan ng minamaneho nitong motorsiklong Skygo 125 nang bigla itong tambangan ng suspek na sakay din ng motorsiklong Honda TMX na may plakang D537CO na may top box.
Napag-alaman na, walang sabi- sabing pinaulanan ng bala ang biktima kung saan mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Candelaria Town proper, na pawang nakasuot ng kulay itim at blue na jacket.
Samantalang patuloy ang imbestigasyon at dragnet operation ng Candelaria Municipal Police Station para sa agarang ikadarakip ng dalawang suspek. /Ellen Apostol