MANILA, Philippines – Idineklara ng Malakanyang na special non-working days sa limang lokalidad para sa pagdiriwang kani-kanilang anibersaryo at espesyal na okasyon.
Ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation No. 1260, nagdedeklara sa Hunyo 6 bilang special non-working day sa Bamban, Tarlac, para sa pagdiriwang ng Bamban Day.
Ipinalabas din ang Proclamation No. 1261, nagdedeklara sa Hunyo 16 bilang special non-working day sa City of Bogo, Cebu, sa pagdiriwang ng charter anniversary nito.
Tinintahan naman ang Proclamation No. 1262 na nagdedeklara sa Hunyo 17 bilang special non-working day sa Quirino, Isabela, at Proclamation No. 1263 sa Maco, Davao de Oro. Ang dalawang munisipalidad ay magdiriwang ng kanilang 59th founding anniversary..
Sa pagpapalabas naman ng proklamasyon, sinabi ng Malakanyang na akma at tama lamang na ang mga mamamayan ng mga nasabing lokalidad ay “be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration.”
Samantala, ang lahat ng proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Mayo 21, maliban sa Proclamation No. 1259, na nauna nang pinirmahan noong Mayo 19. (KRIS JOSE)