Home ENTERTAINMENT Solenn, kapraningan sa kalinisan, binuking!

Solenn, kapraningan sa kalinisan, binuking!

44
0

Manila, Philippines – Sa guesting ni Nico Bolzico sa show ni Matteo Guidicelli sa Bilyonaryo Channel, nagbalik-tanaw ang Argentinean businessman kung paano sila nagkakilala ni Solenn Heussaff.

Nagkita raw sila noon sa isang shoot ng music video ni Rico Blanco many years ago.

Lumapit daw ito sa kanya noon para magpakilala pero hindi raw naman niya masyadong sineryoso.

Then, nasundan pa raw ang kanilang pagkikita ng ilang beses hanggang na-develop ang kanilang romansa.

Ibig niyang tumbukin na si Solenn ang gumawa ng first move sa kanya dahil torpe siya o mahiyain sa panliligaw noong una.

Sa nasabing panayam, ipinakita rin ni Matteo ang ilang photos ni Solenn.

Isa rito ay ang makalaglag-brief na photo in a skimpy swimwear na nagpalakas ng wow factor.

Pinusuan naman ni Nico ang naturang photo at sinabing ito raw ang rason kaya pursigido siya sa pagdyi-gym, dahil hirap habulin ang kaseksihan ng misis.

Sa tunay na buhay, inamin din niyang overprotective siya sa dalawang anak nila ni Solenn.

Tulad ng ibang mag-asawa, nagkakaroon din daw sila ng mga pagtatalo.

Praning daw kasi si Solenn pagdating sa kalinisan sa bahay to the point na over na ang pagiging clean freak nito.

Sa aspeto naman ng pag-arte ni Solenn, hindi raw niya pinakikialaman ang karera ng kabiyak dahil artista na ito noong makilala niya.

Hindi rin daw niya pinagbabawalan si Solenn na gumawa ng love scene o kissing scenes sa leading men nito sa mga proyekto ng aktres dahil bahagi ito ng kanyang trabaho.

Dagdag pa niya, malaki raw ang tiwala niya sa esmi pagdating sa mga desisyon nito sa kanyang career.

Proud din siya sa pagpa-prioritize ni Solenn sa kapakanan ng kanilang mga supling. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here