MANILA, Philippines – Nanguna ang isang graduate mula sa Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte sa food technologists licensure examination na ginanap ngayong buwan, ayon sa Professional Regulation Commission.
Ayon sa PRC, 510 sa 995 nagsulit ang nakapasa sa exam na ibinigay ng Board of Food TEchnology sa test centers sa Metro Manila, Baguio, Cebu at Davao.
Nanguna sa exam si Dee Vanna Espiritu Galacgac ng MMSU Batac na umiskor ng 88.25% habang ang top performing school na may 25 test takers na nakapasa ay ang University of the Philippines – Diliman, kung saan 54 ng 56 examinees nito ang pumasa. RNT/JGC