Home NATIONWIDE Modernisasyon ng PHIVOLCS tinintahan ni PBBM

Modernisasyon ng PHIVOLCS tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand ‘ Marcos Jr. ang isang batas na naglalayong gawing makabago ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang Republic Act No. 12180, o mas kilala bilang PHIVOLCS Modernization Act, naglalayon na pagkalooban ang ahensiya ng state-of-the-art equipment, lubos na sinanay na mga tauhan,at mas seismic stations na epektibong makapagpapataas ng kakakayahan na matutop at mahanap ang lindol, volcanic and seismic events, partikular na sa mga komunidad na nasa panganib.

Layon pa rin ng bagong batas na i-upgrade ang physical resources at operational standard sa pamamagitan ng acquisition at pagsusulong ng state-of-the-art instruments, equipment, mga pasilidad, at sistema para paghusayin ang mga kakayahan sa pagbibigay ng ‘critical, timely, accurate, and reliable volcanological and seismological data’ at localized warning at information services para sa suportang desisyon sa disaster preparedness, climate change adaptation, water resources security and management, agriculture. transportation, health, tourism, at iba pang sektor.

Itutulak din nito ang advance research at development capabilities sa pamamagitan ng pag-adopt ng systematic approach at pagsama-samahin ang lahat ng developed methodologies na nakatuon sa pagpapabuti ng mga mahahalagang operasyon.

Palalawakin din ng batas ang volcanological and seismological monitoring stations sa strategic sites sa bansa, na may layuning palawigin ang base para sa paghahatid ng serbisyo sa mga lalawigan.

Itinutulak din ang isang mas competitive base pay at benepisyo para sa PHIVOLCS personnel para i- promote ang professionalism at commitment sa serbisyo at maging sa ilalim ng bagong batas.

Kabilang sa mga sinasabing mga bahagi ng modernisasyon ay ang “Upgrading and Maintenance of Physical Resources and Operational Standards, Volcano Monitoring Network and Information System Development, Earthquake Monitoring Network and Information System Development, Reliable Monitoring, and Enhancement of Earthquake Monitoring Network for the Protection or Conservation of the Built Environment.”

Sa ilalim ng batas, mayroong paglalang ng PHIVOLCS Modernization Fund na gagamitin para sa PHIVOLCS Modernization Program.

Tinatayang P7 billion, ang iniangkop ng Kongreso sa ilalim ng General Appropriations Act, na dapat ituring bilang isang ‘distinct at separate budget item’ mula sa regular appropriation para sa Department of Science and Technology (DoST). Kris Jose