Home METRO Motorsiklo bumangga sa likod ng trak, 1 patay

Motorsiklo bumangga sa likod ng trak, 1 patay

LA UNION – Patay ang driver samantalang sugatan ang angkas nito matapos na aksidenteng bumangga ang kanilang motorsiklo sa sinusundan nilang Isuzu Elf truck sa Marcos Highway sa Brgy. San Agustin East, Agoo ng lalawigang ito kaninang mga 12:15 ng madaling araw, Hulyo 4.

Kinilala ng Agoo Municipal Police Station ang driver ng Yamaha Aerox 155 na si Christian Nagnason, 37, vegetable vendor, residente ng San Nicolas Norte, Agoo, La Union.

Nakilala ang angkas nito na si Jayson Llavore y Narag, 25, walang asawa, residente rin ng naturang lugar.

Ang driver ng Isuzu Elf truck ay kinilalang si Ricardo Jr Sapla y Bayado, 31, walang asawa, truck driver, residente ng Tadian, Mountain Province.

Patungong kanlurang direksyon sa naturang highway ang Elf truck na sinusundan ng Yamaha Aerox.

Pagdating sa lugar ay bigla na lang umanong nabangga ng motorsiklo ang likuran ng Elf truck.

Dahil dito, ang drayber ng motorsiklo at angkas nito ay parehong nagtamo ng mga sugat at dinala sa ospital ng mga rumespondeng personnel ng MDRRMO Agoo.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Elf truck. Rolando S. Gamoso