Home OPINION MTPB NAKABANTAY SA LALABAG SA TRAPIKO

MTPB NAKABANTAY SA LALABAG SA TRAPIKO

212
0

MALAKI ang pagkakaiba ng traffic enforcers ng City of Manila at Pasay City lalo na sa pagbabantay ng trapiko sa mga lansangan sa kanilang nasasakupan.

Sa pamumuno ni Ferdinand Lee, chief ng Pasay Traffic and Parking Management Office, maganda ang daloy ng trapiko sapagkat tulad ng hepe, masipag ang mga tauhan niya sa pagbabantay at pagpapaganda ng daloy ng mga sasakyan.

Hindi nila binabantayan na magkamali ang mga motorista sa halip ay ginagabayan nila ang galaw ng mga ito dahil talagang nakalutang sila sa mga lansangan habang nagmamando ng trapiko. Sakaling may mahuli man sila, hindi kaagad nila tinitikitan sa halip ay pinagbibigyan muna at itinuturo ang pagsunod sa batas trapiko bagaman may slogan ang mga ito na “Bawal ang pasaway sa Pasay.”

Maging sa parking, ang mga pumaparada sa gilid ng lansangan ay hindi kaagad iniisyuhan ng ticket sa halip ay itinuturo sa kanila ang ligal na parking area o pay parking upang hindi sila makuhanan ng driver’s license at magmulta.

Ibang-iba naman ito sa Maynila. Ang traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau sa ilalim ni Dennis Viaje ay madalas nakaabang sa kanilang mahuhuling lalabag sa batas trapiko. Mayroong ilan sa mga ito ang nagtatago sa likod ng mga poste at traffic lights at kapag lumabag ang motorista ay kaagad nilang binigyan ng ticket. Sa madaling salita, walang patawad. (Parang alcohol lang ang bitiw ng salita. Walang patawad, sa mikrobyo. He! He! He! – Ed)

Maging sa pagka-clamp ng mga sasakyan, napakabilis nitong MTPB kasi nga naman malaki ang multa at malaki ang kikitain ng MTPB. Siyempre, may kita o komisyon din ang MTPB na nag-isyu ng ticket. (Hindi ka sure – Ed)

Kaya naman sa pagkukumpara, mas maganda ang galaw ng trapiko sa Pasay City kaysa sa Maynila. Sa PTPMO may awa sa mga motorista pero sa MTPB negosyo muna o kita walang pakialam kung magkasala-salabid ang traffic.

Sana lang, maayos na ito. Sana mas maraming pulis ng traffic ng Manila Police District ang ma-deploy upang magsagawa ng pagmamando ng trapiko lalo na sa R10, daanan ng mga malalaking trak ng kargamento papunta at paalis ng Pier, sapagkat ang mga nakaposte rito ay pawang TE at hindi pinapayagan ang mga pulis na postehan at tanging MTPB lang ang pwedeng maniket at manghuli. (Parang sinasabi mo na walang manda o pangyarihan ang pulis. Sa palagay mo, swelduhan na lang ang PNP?– Ed)

Dapat mabatid ito ng Metropolitan Manila Development Authority. Hello, MMDA General Manager, Sir Gen. Nicolas Torre III. Baka pwedeng pasadahan itong R10 ng Maynila?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here