MANILA, Philippines – Makararanas ang Earth ng dalawang buwan, ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng American Astronomical Society.
Ang asteroid 2024 PT5 ay mag-oorbit sa planeta mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 25 bago bumalik sa asteroid belt.
Natuklasan ng mga siyentipiko ang space object noong Agosto 7 sa pamamagitan ng Asteroid Terrestrial-impact Last Alert System sa Sutherland, South Africa.
Ipinaliwanag nina Carlos de la Fuente Marcos at Raul de la Fuente Marcos, ang mga may-akda ng pag-aaral, na ang mga near-Earth objects (NEOs) na lumalapit sa planeta nang malapitan ay maaaring sumailalim sa “mini-moon” na mga kaganapan kung saan sila ay dumadaan nang hindi nakumpleto ang isang rebolusyon sa paligid ng Earth.
“Earth can regularly capture asteroids from the Near-Earth object (NEO) population and pull them into orbit, making them mini-moons,” saad sa pag-aaral.
“Sometimes, these temporary captures do not complete one revolution before dropping out of orbit and returning to their regular heliocentric trajectories.”
Matapos makumpleto ang isang mini-moon episode, sinabi ng pag-aaral na ang 2024 PT5 ay aalis sa paligid ng Earth sa unang bahagi ng 2025 hanggang sa susunod na pagbabalik nito sa 2055.
Ngunit ang “pangalawang buwan” na ito ay hindi makikita ng mata dahil 10 metro lang ang lapad nito.
“The object is too small and dim for typical amateur telescopes and binoculars. However, the object is well within the brightness range of typical telescopes used by professional astronomers,” ani Carlos de la Fuente Marcos, na propesor sa Universidad Complutense de Madrid.
“A telescope with a diameter of at least 30 inches plus a CCD or CMOS detector are needed to observe this object; a 30-inch telescope and a human eye behind it will not be enough.”